3 Tsino tiklo sa P185-M shabu
MANILA, Philippines - Umiskor ang mga opeÂratiba ng PNP-Anti Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF) kasunod ng pagkakaaresto sa tatlong big time Chinese drug trafficker sa isinagawang serye ng operasyon sa Manila at Cavite kamakalawa ng gabi hanggang kahapon ng madaling-araw.
Ayon kay PNP –AIDSOTF Legal Officer at spokesman P/Chief Inspector Roque Merdegia Jr., aabot sa 37-kilo ng shabu (methamphetamine hydrochloride) na nagkakahalaga ng P185 milyon ang nasamsam mula sa mga suspek.
Bandang alas-9 ng gabi ng unang magsagawa ng buy-bust operations ang mga operatiba ng PNP-AIDSOTF sa Muelle de Binondo sa Maynila.
Nasakote sa operasyon ang mga suspek na sina Tai Chun Yuan alyas Mr. Chua at Yang Mou Yuan alyas Yeng.
Nasamsam mula sa mga suspek ang 2-kilo ng shabu habang nakatakas naman ang isa ng mga kasamahan.
Samantala, ang karagdagan pang 15-kilo ng shabu ay nasamsam naman sa condominium unit ni Yeng sa nasabing lugar.
Sa isa pang operasyon kahapon ng madaling-araw ay nasakote naman ang kasamahan ng mga suspek na si Shu Jian Ye sa Trece Martires City, Cavite kung saan nasamsam ang 20-kilo ng shabu.
- Latest