^

Probinsiya

5 trabahador ng plantasyon minasaker ng NPA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng limang magsasaka makaraang igapos ay pinagbabaril pa ng mga rebeldeng New People’s Army sa naganap na pagsalakay sa plantasyon sa Barangay Kawili-an, bayan ng Esperanza, Agusan del Sur noong Martes ng ­umaga.

Ang mga biktimang pinahirapan muna bago patayin ay kinilalang sina Remy Pulitan, Felipe Hadraque, Angel” Pukhet” Curaza, da­lawa pang kinilala sa mga alyas na Mang Curente at Jun na pawang nagtra­trabaho sa plantasyon na pag-aari ng yumaong si ex-Mayor  Deo Manpatilan. 

Nabatid na iginapos ang mga kamay ng biktima matapos na hilahin sa masu­kal na bahagi ng Purok Sitio at Sitio Camarangan kung saan ang mga ito ay binistay ng bala.

Sa phone interview, sinabi ni P/Senior Inspector Nelvin Rufon, hepe ng Esperanza PNP, bandang alas-10:30 ng umaga nang salakayin ng mga rebeldeng lulan ng dalawang trak ang Sianalyn Plantation na pag-ari ni Manpatilan na naging aktibo sa counter-insurgency campaign na nagdulot ng matinding dagok sa NPA rebs.

Ayon naman kay Army’s 4th Infantry Division  spokesman Major Leo Bongosia, nanunog din ng mga heavy equiptments ang mga rebelde na bahagi ng pangi­ngikil ng revolutionary tax sa nasabing farm na pina­ngangasiwan ng pamilya ng yumaong alkalde.

BARANGAY KAWILI

DEO MANPATILAN

ESPERANZA

FELIPE HADRAQUE

INFANTRY DIVISION

MAJOR LEO BONGOSIA

MANG CURENTE

NEW PEOPLE

PUROK SITIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with