^

Probinsiya

9 tauhan ng solon, nagpiyansa

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Siyam na kataong sinasabing mga guwardiya sa kapitolyo ng Isabela ang pansamantalang nakalaya matapos piyansahan ni Isabela Vice Governor at ngayon ay Congressman-elect Rodolfo “Rodito” Albano sa korte kamakalawa.

Naglagak ng P522,000 property bond si Albano kay Cabagan, Isabela RTC Judge Felipe Torio para sa kalayaan ng  mga tauhan nitong sina Gilmar Belleza, 29; Vicente Bassig, 20; Alvin Chavez, 22; Bobby Antonio, 47; Charles Calamba, 35; Gilmon Beran, 33; Pio Agustin, 46; Oliver Pira, 31 at Antonio Paguirigan 53 ; pawang mga taga San Pablo, Isabela.

Sinasabing nakatalaga sa pamahalaang panlalawigan ng Isabela ang mga akusado bilang mga guwardiya nang damputin ito ng mga pulis sa karatig lalawigan ng Cagayan sanhi ng paglabag sa gunban kamakailan.

 Nasamsam mula sa mga ito ang dalawang cal. 45 pistol, isang 357 Smith and Wesson magnum revolver, isang armscor cal. 9mm Pistol, isang M16 Armalite rifle, isang Ingram 9mm submachine gun at ibat ibang uri ng mga bala. Sinabi naman ni Albano, nagresponde lamang ang mga guwardiya niya sa mga putukang narinig  malapit sa kanyang rancho nang matiyempuhan ang mga ito ng mga awtoridad ng Cagayan sa lugar.

ALBANO

ALVIN CHAVEZ

ANTONIO PAGUIRIGAN

BOBBY ANTONIO

CHARLES CALAMBA

GILMAR BELLEZA

GILMON BERAN

ISABELA

ISABELA VICE GOVERNOR

JUDGE FELIPE TORIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with