Piskal itinumba ng tandem
BATANGAS, Philippines – Sinalubong ni kamatayan ang 40-anyos na provincial prosecutor matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa bayan ng San Luis malapit sa hangganan ng Sta. Teresita, Batangas kahapon ng umaga.
Siyam na tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Fiscal Alexander “Alex†Sandoval, tubong bayan ng Bauan at naninirahan sa Analyn Subdivision, Barangay Alangilan sa Batangas City, Batangas.
Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Rosauro Acio, Batangas PNP director, pauwi na ang biktima lulan ng Toyota Revo (XME-405) mula sa court hearing sa bayan ng Lemery nang tambangan ng tandem pagsapit sa Barangay Muzon sa nasabing bayan, ilang metro ang layo sa hangganan ng Sta. Teresita bandang alas- 11 ng umaga.
Kaagad na tumakas ang gunmen kung saan inabandona ang kanilang motorsiklo ilang kilometro lang ang layo sa crime scene bago tumakbo sa loob ng tubuhan.
Ayon sa mga nakasaksi, merong mga kasabwat ang tandem na sakay ng kulay puting Toyota Corolla (TDD-852) bilang back-up vehicle ng mga suspek.
Inalerto naman ni Acio ang pangkat ng SWAT para tugisin ang mga suspek habang nilatag na ang checkpoint operations sa mga kalapit bayan.
Samantala, mariin namang kinondena ng Integrated Bar of the Philippines- Batangas Chapter sa panguÂnguna ni Atty. Edwin Aguirre ang pagpatay kay Fiscal Atty. Sandoval.
Sa tala ng IBP-Batangas, si Atty. Sandoval ay pangatlo na sa mga biktima ng karahasan laban sa mga kawani ng judicial system kung saan una nang napatay si Atty. Sulpicio Landicho noong NobÂyembre 14, 2012 at ikinasugat naman ni Atty. Jun Hernandez sa bigong pagpatay noong October 2012. Dagdag ulat ni Joy Cantos
- Latest