^

Probinsiya

2 todas sa road mishap

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang isa naman ang malubhang nasugatan matapos na bumangga ang trailer truck sa mga puno ng niyog sa gilid ng Maharlika Highway sa Brgy. Lungib, Calauag, Quezon  kahapon ng madaling-araw.

Kapwa nabasag ang bungo at durog ang mga buto sa dibdib ng mga biktimang sina Emmanuel Marquez, driver, 35, ng Carmona, Cavite; at Ligaya Pacheco, 48, ng Gumaca, Quezon.

Samantala, kritikal naman ang truck helper na si Teodorico Anabo, 57. Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang trahedya bandang alauna y medya ng madaling-araw kung saan nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng trailer truck (ZZG-221) na kargado ng saku-sakong semento pagsapit sa kurbadang highway.

Tuluy-tuloy ang truck sa mga puno ng niyog na nasa gilid ng nasabing highway kung saan naipit ang dalawang biktima.

vuukle comment

BRGY

CALAUAG

CARMONA

CAVITE

DALAWA

EMMANUEL MARQUEZ

LIGAYA PACHECO

MAHARLIKA HIGHWAY

QUEZON

TEODORICO ANABO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with