^

Probinsiya

Ama pinutulan ng ari… Pamilya minasaker ng ina

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na kamata­yan ang sinapit ng mag-ama habang kritikal naman ang dalawa pang bata matapos na paluin ng iron bar at saksakin ng gunting ng kanilang ina sa Brgy. Bacuyangan, bayan ng Hinobaan, Negros Occidental noong Sabado ng umaga.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga napatay na sina Johnny Galan, 50, at anak na si Jaymar Galan na kapwa idineklarang patay sa ospital.

Base sa inisyal na ulat ng pulisya, nadiskubre ni Jeyvon John Galan, 11, ang insidente bandang alas-6:45 ng umaga matapos utusang bumili ng gatas sa tindahan.

Pagkabalik nito sa kanilang bahay nakita nito ang kaniyang ina na si Arlene, 33, na may hawak na iron bar at matalim na gunting.

Tinangkang paluin ng suspek si Jevon subalit nagawa nitong tumakbo at humingi ng tulong sa pulisya.

Kaagad namang rumes­ponde ang pulisya kung saan natagpuan ang mga biktimang si Johnny kasama ang kambal na anak na sina Jaymart at Jaymark, isang taon at 6-buwang gulang; at Johnny Jr., 3-buwang gulang na duguang nakahandusay.

Nabatid din na pinutol din ang ari ng ama kung saan isinugod sa ospital ang mga biktima subalit binawian ng buhay ang mag-ama habang kritikal naman ang mag-utol na bata.

Sinasabing ang biktima ay nakaranas ng unconfirmed psychosis na nagsimula matapos iluwal nito ang kanyang bunsong anak.

 

vuukle comment

ARLENE

BACUYANGAN

BRGY

CAMP CRAME

JAYMAR GALAN

JEYVON JOHN GALAN

JOHNNY GALAN

JOHNNY JR.

NEGROS OCCIDENTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with