^

Probinsiya

Flashflood: 4 patay, 700 pamilya apektado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat-katao ang iniulat na nasawi habang aabot naman sa 700 pamilya ang naapektuhan sa naganap na pagbaha at landslide dulot ng Intertropical Convergence Zone sa rehiyon ng Mindanao.

Kinilala ni National Disaster Risk Reduction and Management Council Executive Director Eduardo del Rosario ang mga namatay na sina Fatima Maghanoy, 12; Sherlyn Mae Maghanoy, 7; Eziquil Meziah Maghanoy, 3; pawang nakatira sa bayan ng Kabalasan, Zamboanga Sibugay na natabunan sa pagguho ng lupa.

Samantala, si Cesar Castro, 50, ng Quezon, Bukidnon ay namatay naman sa pagkalunod dahil sa flashflood.

Nawawala naman sina Jonie Anastacio, 45, ng Sergio Osmena, Zambonga del Norte at Eugene Maghanoy, 9.

Umaabot naman sa 775 pamilya ang naapektuhan ng mga pagbaha mula sa limang barangay sa Davao City na pansamantalang  nanuluyan sa mga evacuation center sa covered court.

Naitala naman sa 85 pamil­ya sa Maa District, 67 pamil­ya sa Matina Crossing, 184 pamil­ya mula sa Matina Pangi, 395 pamilya mula sa Talomo, at 44 namang pamilya sa Tugbok District sa Davao ang naapek­tuhan ng tubig-baha.

Umaabot naman sa 19 pamilya (111 katao) ang apek­tado ng landslide sa Ba­rangay Kauswagan, bayan ng Sergio Osmena, Zamboanga del  Norte.

Nawasak din ang pamilihang bayan, mga paaralan, daycare centers, mga kalsada sa mga Brgy. Tinago at Brgy. San Isidro bunga ng landslide.

Sa inisyal na pagtaya, aabot sa P2 milyong halaga ng ari-arian ang napinsala ng kalamidad sa agrikultura, ari-arian at maging sa imprastraktura.

 

BRGY

CESAR CASTRO

DAVAO CITY

EUGENE MAGHANOY

EZIQUIL MEZIAH MAGHANOY

FATIMA MAGHANOY

INTERTROPICAL CONVERGENCE ZONE

JONIE ANASTACIO

SERGIO OSMENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with