^

Probinsiya

COP itinumba sa birthday party

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang hepe ng pulisya matapos itong ratratin ng security guard sa birthday party sa Barangay Calunacon sa bayan ng San Andres, Romblon kamakalawa ng gabi.

Napuruhan sa ulo ang biktimang si P/Insp. Noel Aparcio, 45, hepe ng pulisya sa nasabing bayan habang sumuko naman kinabukasan ang suspek  na si Geron Bunchingan na sinasabing security guard sa pribadong ospital sa nabanggit na bayan.

Base sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Danilo Abadiano, Romblon PNP director, lumilitaw na naimbitahan ng kaibigan sa birthday party ang biktima at suspek kung saan nagkausap pa ang dalawa.

Gayon pa man nang malango sa alak ang suspek ay nagpaalam ito kay Aparcio  subalit makalipas ang dalawang oras ay mu­ling bumalik saka binaril ang biktima.

Walang malinaw na motibo ang suspek sa pagkakapatay sa biktima habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

APARCIO

BARANGAY CALUNACON

DANILO ABADIANO

GAYON

GERON BUNCHINGAN

NOEL APARCIO

ROMBLON

SAN ANDRES

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with