Kilabot na tulak sa Samar, tiklo
MANILA, Philippines - Isang pinaghihinalaang notoryus na tulak ng droga at kabilang sa watchlist ng Philippoine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang naaresto ng mga tauhan ng naturang ahensiya sa isinagawang buy-bust operation sa kanyang lugar sa Catbalogan City, Samar.
Kinilala ni PDEA Director General Usec. Arturo G. Cacdac Jr. ang nahuling suspek na si Jonathan Tuazon, 43 anyos at residente sa Purok 3, Brgy. 1, Salug Disrtrict Catbalogan City.
Nakumpiska mula kay Tuazon ang may tatlong sachet ng shabu at ginamit na marked money sa operasyon sa mismong lugar niya.
Si Tuazon ay nasakote ng mga tauhan ni Director Gil Pabilona, ng PDEA at ng Regional Special Operation Group (RSOG).
Dahil dito si Tuazon ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Sec.5 at Sec. 11 ng RA 6425.
- Latest