^

Probinsiya

Ret. Marine colonel kinatay ng helper

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na kama­tayan ang sinapit ng 59-nyos na retiradong colonel ng Philip­pine Marines matapos itong pagtatagain ng kanyang helper na lalaki sa loob ng pag-aari nitong resthouse sa  Zamboanga City kamakalawa.

Kinilala ang napaslang na si Fernando Camohoy ng Ever Green Drive, Barangay Guiwan sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay Zamboanga City PNP Director P/Senior Supt. Edwin de Ocampo, bandang alas-12:02 ng tanghali nang ipagbigay-alam sa pulisya ng anak ng biktima na si Freniel Camohoy ang pagkakatagpo nito sa kaniyang ama na brutal na pinaslang sa resthouse sa Barangay Lamisahan.

Sa pahayag ni Freniel sa pulisya, ang biktima ay nagtungo sa kanilang resthouse para manatili muna simula pa noong Lunes (Mayo 27) kasama ang kaniyang boy na tinukoy sa pangalang Dodong, 23, tubong Kabasalan, Zamboanga Sibugay.

Lumutang naman ang ­teor­ya na si Dodong ang nasa likod ng krimen dahil nawawala ito at huling nakita ng ilang testigo na humangos paalis sa nasabing resthouse bago nadiskubre ang krimen kamakalawa.

Nawawala rin ang Magnum revolver ng biktima at maging ang motorsiklo.

Sa kasalukuyan, pagnanakaw ang isa sa nakikitang motibo ng pulisya sa naganap na krimen.

vuukle comment

BARANGAY GUIWAN

BARANGAY LAMISAHAN

DIRECTOR P

DODONG

FERNANDO CAMOHOY

FRENIEL CAMOHOY

SENIOR SUPT

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with