^

Probinsiya

Mag-asawang trader nilikida ng tandem

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines  â€“ Magkasunod na sinalubong ni kamatayan ang mag-asawang negosyante makaraang pagbabarilin ng apat na armadong kalalakihang lulan ng dalawang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Bulihan, Malolos City, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Charlemagne Suite at Luzviminda Suite, kap­wa nakatira sa Barangay Sta. Monica sa bayan ng Hagonoy, Bulacan.

Namatay si Luzviminda habang ginagamot sa Bulacan Provincial Hospital dahil sa matinding tama ng bala ang baril sa katawan habang ang mister nito ay napuruhan sa dibdib.

Sa ulat ni PO2 Chris­toper Ramiscal, binabagtas ng mag-asawang lulan ng sports utility vehichle (SUV) (ZMR 719) ang kahabaan ng Blas Ople Road sa Barangay Bulihan nang pagbabarilin ng apat na armadong lalaki na lulan ng dalawang motorsiklo.

Bumangga sa poste ng kuryente ang sasakyan ng mag-asawa matapos mapuruhan ang mister kung saan nilapitan ng gunmen para kunin sana ang bag na naglalaman ng malaking halaga.

Subalit napilitang tumakas ang mga armadong lalaki matapos dumagsa ang mga residente sa crime scene.

Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang nasabing bag na naglalaman ng malaking halaga na sinasabing mula sa kilalang banko habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

BARANGAY BULIHAN

BARANGAY STA

BLAS OPLE ROAD

BULACAN

BULACAN PROVINCIAL HOSPITAL

CHARLEMAGNE SUITE

LUZVIMINDA SUITE

MALOLOS CITY

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with