Junkshop owner itinumba
NUEVA ECIJA, Philippines – Binaril at napatay ang 42-anyos na junkshop owner ng mga di-kilalang lalaki sa Barangay General Ricarte, bayan ng Llanera, Nueva Ecija kamakalawa ng umaga. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Nick Apan, may-asawa, junkshop owner at barangay kagawad sa nasabing bayan. Ayon kay P03 Silvestre Colanza, nag panggap na kustomer ang tatlong di-kilalang lalaki sa junkshop ng biktima. Kasunod nito ay umalingawngaw ang malakas na putok ng baril kung saan duguang bumulagta ang biktima. Agad na isinugod ang biktima sa Premiere General Hospital sa Cabanatuan City ngunit idineklarang patay.
- Latest