NPA ambush: 8 pulis tumba, 7 kritikal
TUGUEGARAO CITY, Philippines – Bulagta ang walong tauhan ng PNP-Special Action Force (SAF) habang pito naman ang malubhang nasugatan matapos masabugan ng landmine na itinanim ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa kalsada ng Barangay Cataratan, bayan ng Allacapan, Cagayan kahapon umaga.

Sa ulat na nakarating kay Cagayan PNP Director P/Senior Supt. Gregorio Lim, patungo sa medical mission ang tropa ng SAF na lulan ng police vehichle nang madaan ang sasakyan sa mga itinanim na landmine ng mga rebelde may dalawang kilometro ang layo mula sa himpilan ng pulisya.
Kabilang sa mga biktimang napaslang ay sina PO3 Vladimir Tabajero, team leader; PO2 Jerome Sandeng Pinated, PO2 Dexter Cobilla, PO1 Eric Brioso, PO2 Angelbert Mateo, PO1 Sanchez, PO2 Jaime Powat at si PO2 Roland Castulo.

Nasa kritikal namang kalagayan sa BallesteÂros District Hospital sina PO2 Ronald Gomez, PO1 Ephrain Doleto, PO1 Jeopano Adang, PO1 Ryan Asciano, PO2 Ricky Monay, PO2 Joefrey Amilagan, at si PO2 Joefrey Eliseo.

Ayon kay Lim, siniguro ng mga rebelde na walang matitirang buhay sa mga pulis na bukod sa nasabugan na ay pinagbabaril pa ang mga sugatan sa pagsabog.
Idinala ang walong suÂgatan sa Ballesteros District Hospital kung saan sila nakikipagbuno kay kamatayan.

Sa tala ng pulisya, ito ang ikalawang dagok sa security forces matapos ang madugong panaÂnambang sa Sulu noong Sabado na ikinasawi ng pitong tauhan ng Philippine Marines, siyam pa ang nasugatan habang sa hanay ng mga bandido ay tumaas na sa pito ang nasawi habang sampu naman ang naitalang nasugatan.
- Latest