15-anyos nasermunan, nagbigti
BULACAN, Philippines - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 15-anyos na binatang lalaki na sinasabing nasermunan ng kanyang ina dahil sa pakikipag-inuman matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay Pinagbakahan, Malolos City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Naisugod pa sa Bulacan Provincial Hospital sublit idineklarang patay ang biktimang si Ryan Turreda ng Mabini Street sa nabanggit na barangay. Base sa ulat ni PO2 Esmar Augis, lumilitaw na nakikipag-inuman ng alak ang biktima sa kanyang mga kaibigan nang sermunan ng ina kung saan pilit na pinauuwi ang tinedyer. Dahil sa matinding kahihiyan ang sinapit sa harap ng mga kaibigan ay nagbigti ito sa loob ng kanyang kuwarto.
- Latest