Ika-3 lider ng mayoralty bet, itinumba
ANTIPOLO CITY, Rizal, Philippines - Napaslang ang 50-anyos na political leader ni incumbent Antipolo City Mayor Nilo Leyble makaraang barilin ng di-kilalang lalaki sa loob ng kanyang bahay sa nasaÂbing lungsod kamakalawa ng gabi.
Sa ulat na ipinadala ng Antipolo Public Information Office, kinilala ang napatay na si Rina Gabuna Junio ng Antipolo City Annex 3 officer-In-charge.
Ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa kanang mata at nalagutan ng hiÂninga habang ginagamot sa Antipolo District Hospital.
Nabatid na pinasok ng di-kilalang gunman ang bahay ng biktima sa Cogeo Gate 2, Padilla, at isinagawa ang pamamaslang.
Ayon sa anak na si Elijah Job Junio, nasa kapitbahay siya nang makaranig ng putok ng baril kung saan nagkagulo at may nagsabi sa kanya na nabaril ang ina.
Nabatid na si Junio ang ikatlong lider ni Mayor Leyble na napapaslang mula nang mag-umpisa ang campaign rally.
Unang napaslang si Dick Taneo na binaril habang nagpapatugtog ng campaign jingle at si Angelito San Pablo naman ay binaril habang nagsasalita sa post election rally.
Nabatid na tinalo ni outgoing Rizal Governor Junjun Ynares sa pagka-alkalde ng Antipolo City si Leyble na nagsampa naman ng election protest sa Commission on Elections dahil sa sinasabing pandaraya ng kanyang kalaban.
- Latest