^

Probinsiya

Top lider ng NPA sumuko

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kusang sumuko sa mga awtoridad ang itinuturing na top lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa lalawigan ng Kalinga matapos ang mahabang panahong pagtatago sa batas.

Kinilala ni P/Senior Supt. Froilan Perez, director ng Kalinga PNP ang sumurender na si Benigno Conggas Cagwayan, 48, gumagamit ng mga alyas na Ka Dukang, Ka Mel, at Ka Garcia, tubong Sitio Opon,Barangay Poswoy  sa bayan ng  Balbalan, Kalinga.

Si Cagwayan na may patong sa ulo na P500,000  at may anim na warrant of arrest sa mga kasong double murder, frustrated murder, 3 counts ng murder at robbery na inisyu ng Tabuk City Regional Trial Court Branch 25 ay sumuko sa Regional Intelligence Unit (RIU-14) sa Camp Bado Dangwa; Regional Intelligence Division (RID), Intelligecne Group (IG); at Kalinga PNP provincial Office noong Linggo ng umaga

Sa tala ng pulisya, si Cagwayan ay team leader ng  2nd Larangang Yunit  Guerilya (LYG) na may code name: “Steady” ng Kilusang La­rangang Gerilya Baggas na may operasyon sa Kalinga at ika-24 sa 3rd Periodic Status Report ng Threat Group/ Order of Battle noong 2012.

Sinabi naman ni P/Chief Supt. Benjamin Magalong, director ng Cordillera PNP na dumanas ng panibagong dagok at patuloy ang paghina ng NPA sa Kalinga matapos na sumuko si Cagwayan. Joy Cantos, Artemio Dumlao at Raymund Catindig

vuukle comment

ARTEMIO DUMLAO

BARANGAY POSWOY

BENIGNO CONGGAS CAGWAYAN

BENJAMIN MAGALONG

CAGWAYAN

CAMP BADO DANGWA

CHIEF SUPT

FROILAN PEREZ

GERILYA BAGGAS

INTELLIGECNE GROUP

KALINGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with