^

Probinsiya

Food poisoning: 50 katao naratay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa 50 katao na karamihan ay mga bata ang naratay matapos na umano’y malason sa kinaing puto na gawa sa kamoteng kahoy na napulot ng mga ito sa isang landfill sa Davao City, ayon sa ulat kahapon.Sa ulat na nakarating  sa Camp Crame, isinugod sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa lungsod ang mga biktima.Nabatid na nitong Huwebes ng gabi ay mistulang piyesta na pinaghatian at kinain ng mga biktima ang sangkaterbang puto na napulot ng mga ito sa landfill ng Carmen Tugbok District ng lungsod.

 Gayunman, ilang oras matapos makain ang puto umpisa nitong Biyernes ng umaga ay isa-isa ng dumaing ng pananakit ng tiyan, ulo, pamamanhid ng katawan, pagsusuka at matinding pagkahilo ang mga biktima.

 Agad naman ang mga itong isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas kung saan karamihan sa mga biktima ay mga bata na nagkakaedad, siyam hanggang anim na taong gulang.Pinaniniwalaan namang kontaminado o panis na ang putong nakain ng mga biktima.

 

vuukle comment

BIYERNES

CAMP CRAME

CARMEN TUGBOK DISTRICT

DAVAO CITY

GAYUNMAN

HUWEBES

NABATID

PINANINIWALAAN

SOUTHERN PHILIPPINES MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with