^

Probinsiya

Talunang konsehal, 1 pa itinumba

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa-katao kabilang ang talunang konsehal ang napaslang habang tatlo naman ang nasugatan matapos na magkabarilan ang dalawang grupo ng kandidato sa bisinidad ng Barangay Bunga sa bayan ng Don Salvador Benedicto, Negros Occidental noong Miyerkules ng hapon.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ni Negros Occidental PNP director P/Senior Supt. Ricardo de la Paz, ang mga napatay na sina Roland Apellido, natalong konsehal sa nasabing bayan na nasapul ng tama ng bala sa ulo at Gotelio Sabay, supporter naman ng talunang mayoralty bet na si re-electionist Mayor Laurence Marxlen De la Cruz.

Isinugod naman sa paga­mutan ang mga nasugatang sina Alfredo Edem, Isagani Sagno at si Julie Toledano na pawang nakaalitan ng grupo ni Apellido.

Sinabi ni de la Paz, sumiklab ang barilan habang nagkakape ang grupo ni Apellido at Sabay sa bahagi ng Crossing Spur 16 sa nasabing barangay noong Miyerkules ng hapon.

Nabatid na si Apellido ay kaalyado ng nagwaging alkalde na si Jose Max Ortiz habang si Sabay naman ay supporter ng natalong si reelectionist Laurence Marxlen de la Cruz.

Unang dumating sa coffee shop ang grupong nakabangga ni Apellido kung saan nagkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi sa barilan.

Lumilitaw na naunang binaril ni Sagno, bodyguard ni Apellido si Sabay kung saan binaril naman nito ang talunang konsehal.

Napag-alamang sina Sabay at Edem ay kapwa kawani ng lokal na pamahalaan.

Sumuko naman sa pulisya si Todelano na nagtamo ng bahagyang sugat matapos ang insidente.

Pinaniniwalaang may kinalaman sa pulitika ang insidente kung saan dalawang araw matapos ang eleksyon ay idineklara ng pulisya na generally peacefull ang nasabing bayan.

Magugunita na ang bayan ng Don Salvador Benedicto na may 12, 000 rehistradong botante ay sinasabing nama­yagpag ang pamilya De la Cruz sa politika sa loob ng tatlong dekada subalit sa nakalapas na eleksyon ay nanindighan ang mga botante na wakasan ang political dynasty ng nasabing pamilya.

Natalo sa congressional race si Board member Nehemias de la Cruz maging ang misis nitong si incumbent Vice Mayor Cynthia de la Cruz ay natalo habang ang anak na si incumbent Mayor Laurence Marxlen de la Cruz ay pinataob ni Jose Max Ortiz sa mayoralty race sa kalama­ngang 471 boto. Joy Cantos at Phil. Star News Service

vuukle comment

ALFREDO EDEM

APELLIDO

BARANGAY BUNGA

CAMP CRAME

CRUZ

DON SALVADOR BENEDICTO

JOSE MAX ORTIZ

NEGROS OCCIDENTAL

SABAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with