^

Probinsiya

Phl handa na sa agri-tourism – Jack Enrile

Pilipino Star Ngayon

CAGAYAN, Philippines — Mas malaki ang maia­ambag ng agri-tourism sa ekonomiya ng bansa kapag nabigyan ng pansin at panga­ngalaga ng pamahalaan.

Ito ang mariing sinabi ni United National Alliance (UNA) senatorial bet Jack Enrile sa kanyang pangangampanya sa 72-lalawigan kung saan namalas ng sariling mga mata ang kamangha-manghang kagandahan ng mga farm site at luntiang farm land na ‘di pahuhuli sa ibang bansa.

Aniya, hindi na bago ang agri-tourism sa bansa kung saan inihalimbawa ay ang pamimitas ng strawberry sa La Trinidad Valley sa Baguio City na maraming kababayan ang nakaranas na.

Nabanggit din ni Enrile ang iba pang mga tourist destination na maaring maging kaakit-akit sa mga turista tulad ng malalawak na clam nurseries sa bayan ng Bolinao, Pangasinan; ang Pearl Farm sa Davao at ang ekta-ektaryang plantasyon ng pinya sa Bukidnon na matatawag na­ting mga wonders of nature.

“Malungkot nga lamang at tila ang potensyal nito ay hindi napapansin ng ating pamahalaan,” dagdag ni Enrile.

Samantala, sinuportahan si Enrile ni Miguela Mena, dean ng University of the Philippines Asian Institute of Tourism (UP-AIT) na nagsabing magandang kumbinasyon ang agrikultura at turismo kapag tiningnan ang maari nitong itulong sa ekonomiya ‘di lamang ng mga lalawigan kundi pati na rin ng bansa.

ANIYA

BAGUIO CITY

ENRILE

JACK ENRILE

LA TRINIDAD VALLEY

MIGUELA MENA

PEARL FARM

UNITED NATIONAL ALLIANCE

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES ASIAN INSTITUTE OF TOURISM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with