^

Probinsiya

Ex-mayor kinasuhan sa Ombudsman

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines - Nahaharap ngayon sa kasong graft sa Ombudsman  ang dating alklade ng Sto. Tomas Batangas na si ex-Mayor Edna P. Sanchez, may bahay ni yumaong Batangas Governor Armando Sanchez.

Si Sanchez ay sinasabing inakusahan ng paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft  and Corrupt Practices Act ni Mayor Osmundo Maligaya  at 30  iba pang taxpayers.

Ang kaso ay may kinalaman sa pinasok na kontrata ng dating alkalde sa Manila Electric Company noong July 2008 para sa konstruksiyon ng bagong linya at karagdagang pasilidad  para sa supply ng kuryente na nagkakahalaga ng P2.24 milyon  sa dalawang lupaing pang-agrikultura sa Barangay San Joaquin, Sto. Tomas, Batangas.

Sa inihaing verified complaint sa Ombudsman, sinasabing ginamit ni Sanchez ang kanyang posisyon bilang alkalde upang makinabang habang inilagay naman sa panganib ang interes ng pamahalaan. Alinsunod umano sa Annual Report ng Commission on Audit noong 2008, ang P2.24 milyon ay original na nakalaan sa pagpapagawa ng farm-to-market road para sa mga magsasaka ng Sto. Tomas at hindi sa pagpapatayo ng pasilidad ng kuryente. Hindi naman nakapagbigay ng panig si Sanchez.

vuukle comment

ANNUAL REPORT

BARANGAY SAN JOAQUIN

BATANGAS GOVERNOR ARMANDO SANCHEZ

CORRUPT PRACTICES ACT

MANILA ELECTRIC COMPANY

MAYOR EDNA P

OSMUNDO MALIGAYA

REPUBLIC ACT

SANCHEZ

STO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with