Suporta ng gobyerno kailangan ng agri - Enrile
CAGAYAN, Philippines - Kailangan nang iangat ang kalagayan ng mga magsasaka di-lamang para sa sariling paÂngangailangan kundi pati na rin sa pangangailangan ng kanilang mga komunidad.
Ito ang pahayag ni senatorial bet Rep. Jack Enrile ng United Nationalist Alliance (UNA) kaugnay sa layunin ng pamahalaan na makamit ang kasapatan sa bigas kung saan puntirya ng gobyerno na makaani ng 20 milyong metric tons ng bigas sa 2013.
“Ang ekonomiya ng bansa ay pinatatakbo ng agrikultura subalit nakapagtataka kung bakit hindi sapat ang panahon na ibinibigay ng pamahalaan kung saan marami pa rin sa magsasaka ang makaluma ang pamamaraan ng pagtatanim kaya sila apektado ng climate change at monopolyang kalakalan, “ pahayag ni Enrile
Sinabi rin ni Cagayan Rep. Enrile na kailangan magkaroon nang sistema na makakaasa ang mga magsasaka ng pautang na mababa ang interes, subsidiya at skills traning at scholarship.
Naunang nang iminungkahi rin ni Enrile ang pagsaÂsama ng mga agronomy subject sa mga paaralan upang mabigyan pa ng malawak na atensyon ang agrikultura.
“Dapat ibigay ng diretso sa mga food producer ang malaking bahagi ng conditional cash transfer ng pamahalaan upang makatulong ito nang husto sa mga magsasaka,†dagdag pa ni Enrile. Magugunita na inihain ni Rep. Enrile sa Kongreso ang HB 4626 o ang Food for Filipinos First Act kung saan nakasaad ang master plan kung paano makakamit ng bansa ang kasaganaan sa pagkain, pagpapalakas ng agri, at ang pagsugpo ng gobyerno sa mga export product dahil hadlang ito sa ‘di-pantay na kumpetisyon at talo ang mga local food producer.
- Latest