^

Probinsiya

Bangkay ng 4 Aleman, Pinoy natagpuan na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natagpuan na ng search­ and rescue team ang mga bangkay ng apat na Aleman at isang Pinoy tour guide na nasawi sa pagbubuga ng abo ng Mayon volcano noong Martes ng umaga sa pagpapatuloy ng operas­yon kahapon.

Sa ulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kinilala ang mga nasawing Aleman na sina Roland Pietieze, Farah Frances, Furian Stelter at si Joaane Edosa habang ang tour guide naman ay si Jerome Berin ng Bicol Adventures.

Ang mga biktima ay pawang mountaineers na inabutan ng trahedya matapos ang phreatic explosion ng Mayon volcano kung saan lima pa ang nawawala.

Kabilang sa mga na­sugatan ay sina Nithi Ruangpisit, Tanut Ruchipiyrak, Thawiburut Udomkiat at Benjamin Sansuk na pawang mga Thailander; Austrian na si Sabine Stroh­berger; mga Pinoy na sina Bernard Hernandez, Calixto Balunso, Kenneth Jesalva at Nicanor Mabao.

Patuloy na nakikipagkoordinasyon ang mga opisyal ng pamahalaan sa mga opisyal ng Embahada ng Thailand at Germany.

vuukle comment

ALEMAN

BENJAMIN SANSUK

BERNARD HERNANDEZ

BICOL ADVENTURES

CALIXTO BALUNSO

FARAH FRANCES

FURIAN STELTER

JEROME BERIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with