^

Probinsiya

MNLF vs MILF: 50 pamilya lumikas

Malu Cadelina Manar - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Aabot sa 50 pamilya ang nagsilikas  mula sa kani-kanilang tahanan matapos sumiklab ang bakbakan ng mga armadong grupo ng Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Barangay Marbel, bayan ng Matalam, Noth Cotabato kamakalawa ng gabi.

Wala namang nasugatan o nasawi sa magkabilang grupo na nagdulot ng matinding takot sa mga residente kaya nilisan ang kani-kanilang tahanan.

Ayon kay MNLF-SKSRC Kumander Dima Ambil na may mga pamilya na naiwan sa nasabing barangay at di makaalis dahil nagpapatuloy pa ang bakbakan ng magkalabang grupo.

Sinabi ni Ambil na naganap ang putukan isang oras bago gawin ang konsultasyon sa barangay patungkol sa Framework Agreement on Bangsamoro kung saan ang kasunduan ay nagsisilbing batayan sa pagtatayo ng Bangsamoro Political Entity bilang kapalit ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Kasalukuyang nasa mga evacuation center sa Barangay Kibuok at Barangay Salvacion ang naapektuhang pamilya.

 

AUTONOMOUS REGION

BANGSAMORO POLITICAL ENTITY

BARANGAY KIBUOK

BARANGAY MARBEL

BARANGAY SALVACION

FRAMEWORK AGREEMENT

KUMANDER DIMA AMBIL

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

MUSLIM MINDANAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with