P6.2-M utang sa kuryente, itinanggi ng coop prexy
CAMARINES SUR , Philippines – PinaÂbulaanan ng pangulo na tumatayong ding board director ng Camarines Sur Electric Cooperative III ( CASURECO) ang kanyang pagkakautang sa kuryente na umabot sa P6.2 milyon simula pa noong 1997 sa Iriga City, Camarines Sur.
Ayon kay Engineer Ronald Felix “Gang-Gang†Alfelor, ang nakapaloob sa CASUÂRECO III account no. 0185-0421 na may kategoryang residential ay account # ng kanyang ama na si Rep. CiriaÂco Alfelor na may statement of account na umaabot sa P3,064,108.87.
Samantala, ang account # 0815-1240 na may kategorÂyang commercial na cable TV na sinasabing may pagkakautang na P 3,175,800.92 ay sa corporation ng kanilang pamilya na nakabase sa Barangay San Isidro sa nasabing lungsod.
Ipinaliwanag ni Engr. Alfelor na ang cable TV na negosyo ng kanilang pamilya ay itinayo noong siya ay nag-aaral pa sa kolehiyo.
Sa sertipikasyong may petsang Abril 30, 2013 na ipinalabas ni CASURECO III General Manager Claro Turiano, ang mga account no. 0185-0419 na kategorÂyang residential, account no. 0196-1022 na katagoryang commercial, account no. 0196 – 1025, 0196 - 1026, account no. 0196-1027 residential at isa pang account no. 0196-1028 commercial sa Barangay San Isidro ay pawang nakapangalan kay Engr. Ronald Felix Alfelor ay walang pagkakautang sa naturang kooperatiba.
Si Engineer Alfelor na mayoralty bet sa nasabing lungsod ng Iriga ay naniniwala na pawang paninira lamang ang naglabasang black propaganda laban sa kanya sa nalalapit na elekÂsyon kung saan kalaban naman ay malapit na kamag-anak na si Emmanuel Alfelor Jr.
- Latest