^

Probinsiya

Paslit sugatan sa pinaglaruang baril

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 8 -anyos na batang lalaki ang nasugatan matapos na aksidenteng mabaril ang sarili nang paglaruan ang baril   sa San Fernando, Cebu,  ayon sa ulat kahapon.

Ang insidente ay kasunod naman ng pagkasawi ng isang 4 -anyos na batang lalaki na nabaril ng kaniyang 7 -anyos na kuya sa Bantayan Island, Cebu noong linggo.

Sa report ng Cebu Police, dakong alas-8 ng gabi ng maganap ang ikalawang insidente sa Brgy. Tongo, San Fernando  ng lalawigan may dalawang araw na ang nakalilipas.

Ayon sa imbestigasyon, inakala ng biktimang si Junjun, na laruan lamang ang natagpuan nito sa cabinet na isang cal. 22 revolver kaya niya ito nilaro nang biglang pumutok. Tinamaan ang bata sa hita kaya agad itong isinugod ng kanyang mga magulang  sa pagamutan.

Itinanggi naman ng mga magulang ng bata na pag-aari nila ang nasabing baril.  Iniimbestigahan pa ng pulisya ang kasong ito.

vuukle comment

AYON

BANTAYAN ISLAND

BRGY

CEBU

CEBU POLICE

INIIMBESTIGAHAN

ISANG

ITINANGGI

JUNJUN

SAN FERNANDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with