^

Probinsiya

4-anyos anak binoga ng ama, dedo

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines   -  Bumulagta ang 4-anyos na totoy  matapos na barilin ng kanyang senglot na ama kaugnay sa away-pamilya  kamakalawa ng gabi sa Sitio Abot-Kamay, Barangay Langkaan 1, Dasmariñas City, Cavite.

Namatay habang ginagamot sa ospital ang biktimang si Jairus Dela Cruz habang arestado naman ang suspek na si Roberto Dela Cruz, 41, tricycle driver, kapwa nakatira sa nabnggit na barangay.

Sa ulat ni PO1 Ellaine Magsino, lumilitaw na lango sa alak ang suspek nang umuwi kung saan papasok pa lamang sa kanilang tahanan ay sinalubong na ito ng  asawang si Bleziela at tinalakan dahil sa pag-uwi na senglot.

Dito na sumiklab ang pagtatalo kung saan tinutukan ng baril ng suspek ang kanyang misis para takutin at tumigil sa katatalak.

Biniro naman ni kama­tayan ang suspek kaya nakalabit nito ang hawak na baril kung saan tinamaan naman sa tiyan ang papalabas ng totoy na sumunod lamang sa kanyang ina.

Pormal naman kakasuhan ang suspek habang nakapiit sa himpilan ng pulisya.

vuukle comment

BARANGAY LANGKAAN

BINIRO

BLEZIELA

BUMULAGTA

ELLAINE MAGSINO

JAIRUS DELA CRUZ

ROBERTO DELA CRUZ

SITIO ABOT-KAMAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with