Convoy ng mayor inambus: 13 bulagta
MANILA, Philippines - Umaabot sa 13-katao ang iniulat na nasawi habang sampu naman ang nasugatan kabilang ang alkalde matapos na tambangan ng mga armadong kalalakihan ang convoy ng lokal na opisyal sa liblib na bahagi ng Barangay Malaig sa bayan ng Nunungan, Lanao del Norte noong Huwebes ng gabi.
Ayon Army’s 1st Infantry Division Commander Brig. Gen. Daniel Lucero, Kabilang sa mga nasawi ay sina Baobi Manamparan, 25; Sadam Manamparan, 23; Johani Bantuas, 21; Sami Sanayon, 21; Baby Dimasangcay, 16; Lala Diamrang, 54; Apipa Mamantuc, 18; Saidona Mamantuc, 52; Hamdan Mamantuc, 18; Alinor Mamantuc, 19 at si Maliha Sultan, 17; at dalawang hindi natukoy ang pagkakakilanlan.
Si Mayor Manamparan ay tumatakbong bise alkalÂde habang ang anak nitong lalaki ay sa mayoralty race.
Isinugod naman sa ospital sa Iligan City ang mga sugatan na kinabibilangan ng alkalde, Amira Manamparan Labe, 15; Wilfredo Vega, 44; PO1 Frenel Laguting, 24; Lili Macaraya, 16; Nuaman Watamama, 17; Aiman Dimasangcay, 15; Nobaisa Otto, 19; at isa pa na di natukoy ang pangalan.
Nabatid na bandang alas-6:25 ng gabi habang bumabagtas ang tatlong sasakyan ni Mayor Manamparan na karamihan ay lulan ng dump truck nang umaliÂngawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril kung saan karamihan sa mga nasawi ay tagasuporta ni Mayor Manamparan.
Napag-alamang pabalik na sa Barangay Poblacion ang mga biktima mula sa campaign rally ni Mayor MaÂnamparan na tumatakbo sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC) nang maganap ang pananambang.
Sa pahayag ng opisyal na rido o clan war ang paÂngunahing motibo ng ambush dahil kilala ng pamilya ng alkalde ang ilan sa nanambang pero sa kabila nito ay hindi inaalis ang anggulong pulitika.
- Latest