Obrero kinatay dahil sa utang
QUEZON, Philippines - Buhay ang naging kabayaran sa pagkakautang ng isang obrero makaraang pagtulungang saksakin ng dalawa nitong kapitbahay sa Barangay San Francisco, bayan ng Lopez, Quezon kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Victor Navarro, habang naaresto naman ang mga suspek na sina Edwin Arceo at Emmanuel Buenaobra. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-8-30 ng gabi nang lapitan at singilin ng dalawang suspek na lango sa alak ang biktimang nakatayo sa labas ng kanyang bahay. Ayaw namang magbayad ng biktima kung saan ikinatuwiran nito nawala siyang pera at bigyan ng panahon upang makapag-ipon. Nagalit ang mga suspek at pinagsasaksak ang biktima hanggang sa duguang bumulagta.
- Latest