^

Probinsiya

Campaign manager itinumba

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines – Pinabulagta ang 37-anyos na campaign coordinator/manager ng congressional bet makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa bahagi ng Barangay Puting Buhangin sa bayan ng San Juan, Batangas kahapon ng tanghali.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Melvin Manimtim, dating barangay chairman at tumatayong campaign coordinator ni Bernadette Sabili na tumatakbo sa congressional race sa 4th district ng Batangas.

Ayon sa police report, pauwi na ang biktima mula sa motorcade nang tambangan ng tandem bandang alas 12:12 ng tanghali pagsapit sa nasabing barangay.

Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang 13-basyo ng cal. 45 pistol.

Pinaniniwalaang may bahid-pulitika ang naganap na pananambang kung saan may iba pang anggulo ang sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya.

 

vuukle comment

AYON

BARANGAY PUTING BUHANGIN

BATANGAS

BERNADETTE SABILI

KINILALA

MELVIN MANIMTIM

NAREKOBER

PINABULAGTA

SAN JUAN

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with