^

Probinsiya

Pinsan ng heneral kinidnap

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinukot ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang isang negosyante na pinsan ng isang heneral ng PNP sa naganap na insidente sa Jolo, Sulu nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ni Sulu Provincial Police Office Director P/Sr. Supt. Antonio Freyra, ang biktima na si Reynato “Boy “ Yanga, 53 , coffee shop owner sa downtown ng kapitolyo ng Jolo.

Ang biktima ay pinsan ni  Chief Supt. Mario Yanga, Deputy Regional Director for Administration ng Police Regional Office (PRO) 9.

Bandang alas-5:20 ng umaga ng pasukin ng limang  mga armadong suspek ang coffee shop ng biktima  sa Brgy. Walled City, Jolo na itinaon ng mga ito sa malakas na pagbuhos ng ulan.

Sa tala, ito ang ikalawang pagkakataon na binihag ang biktima ng mga bandido na ang una ay noong Marso 2005 pero hindi nakipagkooperasyon ang pamilya nito sa mga awtoridad.

Nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang pinagsanib na elemento ng pulisya at ng Philippine Marines para sa ligtas na pagbawi sa bihag.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

ANTONIO FREYRA

CHIEF SUPT

DEPUTY REGIONAL DIRECTOR

JOLO

MARIO YANGA

PHILIPPINE MARINES

POLICE REGIONAL OFFICE

SR. SUPT

SULU PROVINCIAL POLICE OFFICE DIRECTOR P

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with