Bisor ng manukan itinumba
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 42-anyos na bisor ng Mercedes Poultry Farm matapos itong saksakin at pagtatagain ng mga ‘di-kilalang lalaki sa liblib na bahagi ng Purok 2, Barangay Mercedes sa bayan ng Pilar, Sorsogon kamakalawa ng gabi. Bandang alas-7:30 ng umaga nang matagpuan ang duguang katawan ni Arnold Arnaldo Longasa ng Sto. Domingo, Albay. Ayon sa pulisya, huling nakitang buhay ang biktima na dumalo sa sayawan sa Mercedes Elementary School dahil sa kapistahan ng barangay. Pinaniniwalaang may nakaaway na trabahador sa manukan ang biktima na kanyang sinibak sa trabaho.
- Latest