^

Probinsiya

2-anyos kritikal sa tortyur ng ama

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa bingit ng kamatayan ang 2-anyos na nene matapos itong bugbugin at pasuin ng sigarilyo ng sadista nitong ama sa beach resort sa Boracay  Island, Malay, Aklan may dalawang araw na ang nakalipas.

Sa ulat ni P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr. na nakarting sa Camp Crame, patuloy na ino­obserbahan sa Don Ciriaco Tirol Hospital ang biktimang si Margie Estrevillo.

Habang nasakote kamakalawa ang suspek na si Daniel Louie Estrevillo, 23, ng #15 Maunlad St., Brgy. Pinyahan, Quezon City.

Ang biktima ay isinugod sa  pagamutan matapos magsuka sa pambubugbog ng sarili nitong ama na nagsama sa bata sa nasabing isla para magbakasyon.

Nabatid na ang mag-ama ay nagtungo sa nasabing isla noong Abril 14 matapos na itakas ng suspek ang bata mula sa ka-live-in nito.

Nabatid na isang restaurant owner sa Boracay Island na kinilalang si Nida Macahilig ang nagpaabot sa mga awtoridad kaugnay sa nakita nitong pananakit ng suspek sa bata sa loob ng kanilang establisyemento.

Napag-alamang umiinom ng alak ang suspek sa restaurant ni Macahilig kung saan hindi pinapansin ang umiiyak na biktima dahil sa matinding uhaw.

Isa namang waitress sa restaurant ang nag-abot ng tubig sa bata pero kasunod nito ay nagsuka ito kaya nagalit ang suspek at pinagsa­sampal ang biktima kung saan iniumbag pa nito hanggang sa mawalan ng malay-tao.

Dito na isinugod ng may-ari ng restaurant sa ospital ang bata at natuklasang tadtad ito ng mga pasa at paso ng sigarilyo sa katawan.

AGRIMERO CRUZ JR.

BORACAY ISLAND

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

DANIEL LOUIE ESTREVILLO

DON CIRIACO TIROL HOSPITAL

MARGIE ESTREVILLO

MAUNLAD ST.

NABATID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with