Fishing ban gugutumin ang mangingisda - Enrile
CAGAYAN, Philippines – Lalong mababaon sa kahirapan at gutom ang mga mangingisda kapag itinuloy ng gobyerno ang fishing ban sa isdang galunggong.
Ito ang pahayag ni Cagayan Rep. at United Nationalist Alliance (UNA) senatorial bet Jack Enrile sa plano ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ipagbawal ang pamamalakaya ng nasabing isda upang di-tuluyang maglaho ang mga ito sa karagatan.
Nababahala ang mambabatas na baka mas lalong malulong sa kahirapan ang mga mangingisda na isang kahig-isang-tuka na umaasa lang sa panghuhuli ng tinatawag na poor man’s fish para sa kanilang ikabubuhay.
Ayon kay Enrile, ang pagkaunti ng mga isda ay hindi dapat ibintang sa ating mga kababayang nakatira sa mga fishing village dahil ang maliliit nilang bangka ay di-kayang pumalaot ng malayo.
Hindi nila kayang makipagsabayan sa .9 milyong metric tons ng imported na isda na ipinapasok taun-taon sa bansa at ibinebenta sa murang halaga sa mga pamilihan.
“Kapag itinuloy ng pamahalaan ang galungggong fishing ban, para na rin nilang inagawan ng makakain ang mahihirap na mangingisda. Sana ay may nakahandang mga alternatibong hanapbuhay ang pamahalaan para sa mga mangingisda,†dagdag pa ni Enrile.
- Latest