8 Sayyaf dedo sa engkuwentro
MANILA, Philippines - Walong bandidong Abu Sayyaf ang bumulagta habang tatlo namang sundalo ang iniulat na nasugatan matapos ang assault operation ng tropa ng militar laban sa kuta ng mga kidnaper sa liblib na bahagi ng Barangay Silangkum, bayan ng Tipo-Tipo, Basilan kahapon ng umaga.
Sa phone interview, kinumpirma ni Col. Carlito Galvez, commander ng Army’s 104th Infantry Brigade at Task Force Basilan, unang sinalakay ng tropa ng militar ang kuta nina ASG Commander Furuji Indama at Isnilon Hapilon.
Nasundan ang assault operation na ikinasawi ng pito hanggang walong bandido.
Samantala, nasa tatlong sundalo naman ang nasugatan na inilipad na ng helicopter sa Camp Navarro Hospital sa Western Mindanao Command sa Zamboanga City.
Nabatid na naglunsad ng operasyon ang tropa ng sundalo sa nasabing lugar matapos na matukoy na nagtatago ang mga kidnaper ng nakalaÂyang bihag na AustralÂyano na si Richard Warren Rodwell na dinukot ng grupo ni Indama sa Green Meadows Subd. sa bayan ng Ipil, Zamboanga Sibugay noong Disyembre 5, 2011.
Pinalaya si Rodwell noong Sabado (Marso 23) matapos na magbayad ng P7 milyong ransom base na rin sa kumpirmasyon ni Basilan Vice Gov. Rasheed Al Sakalahul.
- Latest