^

Probinsiya

Trak swak sa bangin: 4 utas, 56 sugatan

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

IFUGAO, Philippines  â€“ Apat-katao ang iniulat na nasawi habang 56-iba pa ang nasugatan matapos mahulog ang dump truck sa malalim na bangin sa Sitio Linayan, Barangay Nalbu, bayan ng Mayaoyao, Ifugao noong Sabado ng hapon.


Kinilala ni P/Senior Supt. Angelito Casimiro, Ifugao PNP director  ang mga nasawi na sina Rodalyn Bongyo Homecgoy, 22; Jude Bobby Naila, 32; Joel Jose Nabad-ao Jr., 21; at si Crisler Abbugao, 21, pawang mga nakatira sa Barangay Tulaed sa nabanggit na bayan.


Samantala, kabilang naman sa  nasugatan ay sina Jefferson Gannaban, Manuel Palleg, Kriston Honhinag, Amando Attaban, Henry Ponhabal Sr., Gemmlyn Litana, Mary Binayo, Jomarie Bandao, at si Jailyn Baguiwa na pawang naisugod Mayaoyao District Hospital.

Naisugod naman sa Emergency Hospital ng Santiago City, Isabela ay sina Eliza­beth Hachorna, Chiquito Gannaban, Annie Buhalna, Maricris Attaban, Fernando Nungatang, Martin Balajo, Junior Punhalban, Jomalyn Umadchib habang ang 9 na iba pa ay dinala sa Veterans Regional Hospital sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya.

Napag-alaman na lulan ng dump truck ang mga biktima  mula sa kasalan sa Barangay Alimit sa nasabing bayan nang mawalan ng control sa manibela ang driver pagsapit sa bahagi ng provincial road sa Sitio Nilayan, Barangay Nalbo kung saan tuluyang nahulog sa may 100 metrong lalim na bangin.

Ayon pa sa ulat, agad na nasawi sina Homecgoy at Naila habang namatay naman sina Nabad-ao at Abbugao habang ginagamot sa magkahiwalay na ospital.

Sa kabuuang 56-katao na nasugatan ay 28 sa mga ito ang malubha kabilang na ang truck driver na si Reggie Lumayna. Dagdag ulat ni Raymund Catindig

AMANDO ATTABAN

ANGELITO CASIMIRO

ANNIE BUHALNA

BARANGAY ALIMIT

BARANGAY NALBO

BARANGAY NALBU

BARANGAY TULAED

CHIQUITO GANNABAN

CRISLER ABBUGAO

EMERGENCY HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with