^

Probinsiya

4 bayan pinapa-Comelec control

Pilipino Star Ngayon

LA UNION , Philippines   - Pinag-aaralan na ng Commission on Elections (Comelec) ang paglalagay sa apat na bayan sa La Union sa ilalim ng kanilang kontrol upang maiwasan ang anumang nakaambang karahasan sa dara­ting na halalan.

Ito ay kaugnay ng isinumiteng rekomendas­yon ng Comelec Region 1 base sa kahilingan ng apat na opisyal mula sa mga bayan ng Agoo, Aringay, Rosario at sa bayan ng Tubao.

Nauna rito, naghain ng kanilang reklamo kay Comelec Commissioner Sixto Brillantes sina Atty. Enzo Sanchez ng Rosario; Mario Chan ng Agoo; Wilfredo Garcia ng Tubao; at si Amiel Ong ng Aringay.

Ayon kay Atty. Sanchez, nakababahala ang mga patayan, talamak na pamumudmod ng pera ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa mga lider ng barangay at ilang lider sa komunidad para tiyakin ang kanilang panalo.

Hiling din ng apat na kailangang palitan ang mga local election officer sa kanilang bayan maliban sa bayan ng Rosario upang masiguro na hindi maiimpluwensyahan ng mga lokal na opisyal. Hiniling din nila ang karagdagang puwersa ng pulisya at militar na magbibigay proteksyon sa gaganaping halalan.

“Mistulang moro-moro ang covenant signing sa apat na bayan dahil hindi naman ito nasusunod.” Pahayag pa ng apat na kandidato sa mga nasabing bayan.

AGOO

AMIEL ONG

ARINGAY

BAYAN

COMELEC COMMISSIONER SIXTO BRILLANTES

COMELEC REGION

ENZO SANCHEZ

LA UNION

MARIO CHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with