^

Probinsiya

Shabu dealer utas sa shootout

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napaslang ang 50-anyos na shabu dealer matapos makipagbarilan sa arresting team ng pulisya noong Huwebes ng hapon sa Mango Avenue Dalliao, Toril District, Davao City.

Kinilala ni Davao City PNP director P/Senior Supt. Ronald de la Rosa  ang na­patay na si  Augustus Caesar Borja, sinasabing wanted sa kasong drug pushing.

Nabatid na bitbit ng mga operatiba ng pulisya ang search warrant na inisyu ni Judge Pelagio Paguican ng Davao City Regional Trial Court Branch 11 nang salakayin ang bahay ni Borja.

Gayon pa man sa halip na sumuko ay agad nanlaban at nakipagbarilan sa arresting team na nauwi sa ilang minutong palitan ng putok kung saan duguang bumulagta si Borja.

Narekober sa bahay ni Borja ang isang granada, cal. 45 pistol at  iba’t ibang uri ng pampasabog.

Natagpuan din ang 10-plastic sachet ng shabu, improvised totter, P4,000 cash, 9-pirasong US1 dollar  at 2-cell phone.

Samantala, inaresto rin ang kapatid ni Augustus na si  Dioscoro  Borja, 44, matapos masamsaman ng cal. 45 pistol na walang lisensya, iba’t ibang klase ng bala, 3 plastic sachet ng shabu at iba’t iba pang uri ng baril.

 

AUGUSTUS CAESAR BORJA

BORJA

DAVAO CITY

DAVAO CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

JUDGE PELAGIO PAGUICAN

MANGO AVENUE DALLIAO

SENIOR SUPT

TORIL DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with