Barangay chairman itinumba
April 11, 2013 | 12:00am
MANILA, Philippines - Isa na namang barangay chairman ang napaslang matapos pagbabarilin ng dalawang rebeldeng New People’s Army (NPA) noong Martes ng umaga sa bahagi ang Barangay Macopa sa bayan ng San Francisco, Surigao del Norte. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, tatlong bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Chairman Domingo Amparo, 50, ng nabanggit na barangay. Ayon sa pulisya, bumisita ang biktima sa kaniyang koprahan nang lapitan at ratratin ng dalawang miyembro ng hit squad ng NPA rebs.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended