^

Probinsiya

1 patay, 3 sugatan sa killer truck

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa ang iniulat na nasawi habang tatlong iba pa ang nasugatan makaraang salpukin ng truck ang dalawang sasakyan sa Sitio Cabading, Barangay San Jose, Antipolo City, Rizal kahapon ng umaga. Kinilala ang nasawi na si Jerome Bandoja Rocello, 30, ng Sta. Mesa, Maynila habang sugatan naman ang driver ng trak na si Edwin Baluyot, 36 at ang magpinsang pahinante na sina Michael Henson, 31; at Jonathan Henson, 25, na naisugod sa Amang Rodriguez Hospital.  Ayon kay PO3 Renato Abalos ng Antipolo City PNP, nawalan ng preno ang trak na kargado ng buhangin kaya inararo ang mga nakaparadang taxi ni Mark Neil Sanchez at motorsiklo ni Rocello na naipit sa ilalim ng trak. Nabatid na ang trak ay patungong Maynila mula sa bayan ng Infanta, Quezon nang maganap ang trahedya sa kahabaan ng Marcos Highway.

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ HOSPITAL

ANTIPOLO CITY

BARANGAY SAN JOSE

EDWIN BALUYOT

JEROME BANDOJA ROCELLO

JONATHAN HENSON

MARCOS HIGHWAY

MARK NEIL SANCHEZ

MAYNILA

MICHAEL HENSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with