Hanjin Village pinasinayanan ni Binay
SUBIC BAY FREEPORT ZONE, Philippines – Pinangunahan ni Vice President Jejomar Binay ang inagurasyon ng Hanjin Heavy Industries & Construction Co., Ltd. – Philippines, Inc. (HHIC-Phil Inc.) housing project para sa mga trabahante nito sa kanilang Subic shipyard.
Sampung buwan pa lang ang nakalipas simula noong mag- ground breaking noong July 2012, pinangunahan ni Bise Presidente Binay ang hosuing project na 300 pabahay na nasa loob ng 30-ektaryang lupa sa Sitio Nagbayto, Brgy. Nagbunga sa bayan ng Castillejos, Zambales, na tinaguriang “ Hanjin Village.†Nabatid na aabot sa 2,000 kawani ng Hanjin ang maninirahan sa Hanjin Village kapag natapos ang Phase 1 at Phase 2 na patatayuan ng tig-1,000 housing units.
Ang 30-ektaryang lupa na kinatatayuan ng Hanjin village ay ibinigay ng libre sa mga trabahador ng Hanjin kaugnay ng Corporate Social Responsibility (CSR) program nito.
Ikinatuwa naman ni Binay ang regalo ng Hanjin sa mga trabahente. “ Salamat ng marami, Hanjin. Dahil ibinibigay ng Hanjin ang lupa sa mga manggagawa nito, ang babayaran na lamang nila ay ang mismong bahay.â€
Ayon kay Binay, hindi matatawaran ng kahit sino ang benepisyo na naipapamahagi ng Hanjin sa Zambales sa paglikha ng libu-libong trabaho kasama na rin sa ekonomiya ng Pilipinas bilang top exporter ng Subic Bay Freeport Zone.
Pagkatapos ng talumpati, ibinigay naman ni Binay ang ceremonial keys sa mga shipyard workers na si Gregorio Regaspi(1 -bedroom unit), Angelina Abad (2 -bedroom unit), at (3- bedroom unit) Eunice Labios, lahat ay nagtatrabaho sa shipbuilÂding subcontractor na Subic Shipbuilder Corporation (Sushicor) Pinasalamatan naman ni HHIC-Phil President Jin Kyun Ahn si Bise Presidente Binay sa pagsuporta sa Hanjin village sa pamaÂmagitan ng Pag-Ibig fund kung saan hindi na kailaÂngan magbigay ng downpayment ang mga manggagawa ng Hanjin, at makakamit pa ng mababang interest rates, at presyong hindi mapapantayan sa merkado. Magpapatayo din ng libreng iskwelahan, multi-purpose hall, bus terminal, playground, at iba pang imprastruktura ang Hanjin para sa ikabubuti ng mga manggagawa, pahayag pa ni Presidente Ahn.
- Latest