Van hulog sa bangin: 13 guro, driver sugatan
MANILA, Philippines - Labintatlong guro at driver ang iniulat na nasugatan kabilang ang limang nasa kritikal na kondisyon makaraang mahulog ang van sa buludunduking highway sa hangganan ng Bukidnon, North Cotabato at Davao City kamakalawa.
Kabilang sa mga nasugatang guro ay sina Eduardo Isagayo, Julius Galario, MaÂria Araceli Mendoza, Clara Eduabe, Joralyn Macabudbiod, Bambi Austral, Ofelia Tigao Aba, Genal Allamba, Leonoro Gilang, Abecia Flordaliza, Jee Ian Lim, Aquilino Gemucon at Chona Nuñez at ang driver ng van na si Jessie Gabriel.
Lima sa mga guro na sinasabing nagmula Valencia City College of Bukidnon ay nasa kritikal na kondisyon.
Base sa imbestigasyon, patungo sana sa Samal Island Beach Resort ang mga biktima para sa excursion nang mawalan ng kontrol sa manibel ang driver pagsapit sa matarik na pakurbadang highway.
Ang nasabing lugar na pinangyarihan ng sakuna ay tinaguriang prone accident area, dahil sa maraming sasakyan na ang naitalang nadisgrasya.
- Latest