^

Probinsiya

BF ng anak binoga ng police major

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga operatiba ng pulisya ang isang deputy chief of police matapos nitong barilin at mapatay ang sadistang boyfriend ng anak na dalagita sa isang barung-barong malapit sa kaniyang tahanan sa Brgy. Guadalupe, Bogo City, Cebu kamakalawa ng hapon.

Ayon sa ulat, pinagbabaril ni Chief Inspector Ceferino Tabay, Deputy Chief of Police ng Bogo City ang biktimang si Vincent Paul Montesclaros, 17, gamit ang kaniyang cal .45 pistol.

Ang biktima ay idineklarang dead on arrival sa Bogo City Provincial Hospital dahilan sa tinamong mga tama ng bala sa ulo at dibdib.

Sa inisyal na imbestigasyon, si Montesclaros ay nabatid na boyfriend ng anak na babae ni Tabay na isa ring menor de edad na mahigpit namang tinututulan ng opisyal dahilan sa mahirap lamang ito, laking squatter, marami umanong bisyo at palaging sinasaktan ang dalagita.

Ayon kay Supt Anthony Bagarinao, hepe ng Bogo City, naka-duty si Tabay pero nagpaalam umano dahilan sa may emergency sa kanilang tahanan.

Naaktuhan umano ni Tabay na sinasaktan ng suspek ang kaniyang anak na duguan na ang ilong sa labas ng barung-barong nito.

Nang makita si Tabay ay tila may bubunutin umano sa kaniyang baywang si Montesclaros at dahilan sa galit ng opisyal ay binunot din nito ang kaniyang baril at pinaputukan ng sunud-sunod ang binatilyo. Kasalukuyan na ngayong humihimas ng rehas na bakal sa stockade ng Bogo City Police ang opisyal. The Freeman

vuukle comment

AYON

BOGO CITY

BOGO CITY POLICE

BOGO CITY PROVINCIAL HOSPITAL

CHIEF INSPECTOR CEFERINO TABAY

DEPUTY CHIEF OF POLICE

MONTESCLAROS

SUPT ANTHONY BAGARINAO

TABAY

VINCENT PAUL MONTESCLAROS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with