^

Probinsiya

Bata pinugutan, laman-loob nawawala

Mer Layson at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

RIZAL, Philippines - Natagpuang wakwak ang tiyan, walang laman-loob, pugot ang ulo ng 4-anyos na lalaki matapos itong mawala noong Marso 19 sa bayan ng Pililla, Rizal

Sa ulat ni P/Chief Insp. Resty Soriano, hepe ng Pililla PNP, kinilala ang biktima base sa suot nitong damit noong araw na mawala na si Mark Eljine Escarmosa ng Barangay Malaya sa nabanggit na bayan.

Ayon sa opisyal, kaya wakwak ang tiyan ng bata na halos buto na ang katawan ay dahil nilapa ito ng mabangis  at gutom na asong gala gayundin ng iba pang mga hayop sa gubat nang matagpuan noong Huwebes.

 â€œAng teorya na nakikita naming sa kasong ito, kaya natagpuan ay may nakita silang aso na kagat-kagat ‘yung isang binti ng bata na puro buto na po,” ayon kay Soriano.

Naagnas na rin ang katawan ng biktima na halos buto na nang matagpuan ng isang residente na napadaan sa ibaba ng matarik at masukal na bangin sa may sapa malapit sa tahanan nito bandang alas-12:30 ng tanghali.

Ayon  kay Soriano, posib­leng nahulog sa matarik na bangin sa sapa ang biktima na nasawi matapos tumama sa matalim na bato ang ulo at katawan  hanggang sa papakin na ng hayop ang bangkay nito.

Gayon pa man, nagtataka naman ang pamilya ng biktima kung bakit hindi nila nakita ang tsinelas ng bata sa lugar na kinatagpuan sa naagnas na nitong bangkay.

Nagtataka rin ang pamilya dahil agad na sinunog ng hindi pa rin nakikilalang kabarangay nila ang lugar na kinatagpuan ng bangkay ng bata kung saan buo pa rin ang damit nito.

“May bangin ho kasi doon sa likod ng sementeryo, doon nahanap ang bata sa sapa,” ayon pa sa hepe na nagsabing pa na ipagpapatuloy ang masu­sing imbestigasyon.

 

AYON

BARANGAY MALAYA

CHIEF INSP

GAYON

MARK ELJINE ESCARMOSA

PILILLA

RESTY SORIANO

SORIANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with