^

Probinsiya

Staff ng solon itinumba ng tandem

Pilipino Star Ngayon

LIPA CITY, Batangas, Philippines - Kasabay ng pag-uumpisa ng kampanya para sa nalalapit na mid term elections, napaslang ang 57-an­yos na staff ni Batangas 4th District Rep. Leandro “Dong” Mendoza matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen kamakalawa ng gabi sa bahagi ng Barangay Balin­tawak sa Lipa City, Batangas.

Napuruhan sa ulo ang biktimang si Carlos “Charlie” Mendoza ng Sitio San Nicolas sa nasabing barangay at tumatayong community affairs officer ni Rep. Mendoza.

Ayon sa police report, kagagaling lang ni Mendoza sa campaign rally kung saan umuwi lang sandali nang harangin at ratratin ng tandem ilang metro lang ang layo sa kanilang bahay bandang alas-9:30 ng gabi.

Ayon kay SPO2 Archie Limbo, chief investigation officer ng Lipa City PNP, pulitika at awayan sa pamilya ang ilan sa mga sinisilip ng pulis­ya sa motibo ng pamamaslang.

Si Congressman Dong Mendoza ay tumatakbong muli bilang kongresista sa kanyang distrito sa nalalapit na Mayo 13 mid term elections.

 

ARCHIE LIMBO

AYON

BARANGAY BALIN

BATANGAS

DISTRICT REP

KASABAY

LIPA CITY

MENDOZA

SI CONGRESSMAN DONG MENDOZA

SITIO SAN NICOLAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with