11 katao sugatan sa road mishap
CAMARINES NORTE, Philippines — Labingisa katao ang nasugatan makaraang aksidenteng mahulog sa kanal ang isang pickup kamakalawa sa Capalonga ng lalawigang ito.
Isinugod sa Capalonga Medicare and CommuÂnity Hospital ang mga biktima kabilang ang sampung menor-de-edad. Kinilala ang mga biktima na sina Czarry Boy Amargo 3; Ian Carl Amargo 3; Leynard Amargo 9; Monaliza AmargoÂ, 11; Mary Joy Capitan, 14; Roselyn Amargo, 38; Russel Amargo, 19; Emmanuel Calleja, 50, Mylene Amargo; pawang residente ng Paracale, Camarines Norte; Christian Amargo 36; at ang driver na si Godfrey Callejo, 43; kapwa residente ng Patnanongan, Quezon.
Bandang alas-7 ng umaga habang ang mga biktima na pawang magkakapamilya ay nakatakda sanang manood ng nagpe-penitensya sa bayan ng Capalonga nang aksidenteng mahulog ang sinaÂsakyan ng mga ito na isang Black Ford Ranger sa Brgy. Alayao,Capalonga ng lalawigan.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng depekto ang makina ng sasakyan na naging sanhi ng trahedya.
- Latest