2 lider ng extortionist gang, 1 pa utas sa encounter
MANILA, Philippines - Dalawang wanted na lider ng notoryus na Muslim Lawless Group (MLG) at isa sa aide ng mga ito ang napaslang matapos makasagupa ng tropa ng mga sundalo sa magkakahiwalay na insidente sa lalawigan ng Zamboanga del Sur, ayon sa opisyal kahapon.
Sinabi ni Major Edgardo Amores, Spokesman ng Army’s 1st Infantry Division (ID) unang napatay sa bakbakan si Amih Andi; kilabot na lider ng MLG sa lalawigan na maÂtagal nang pinaghahanap ng batas at kanang kamay nitong si Ambak Magusan alyas Imbok.
Ang pagkasawi ng dalawa ay kinumpirma ni Lt. Col Yegor Rey Barroquillo Jr., Commander ng Army’s 44th Infantry Battalion (IB) maÂtapos ituro ng kanilang mga asset na inilibing na nitong Biyernes Santo ng umaga sa Barangay Pampang, LaÂpuyan, Zamboanga del Sur.
Bandang alas-5:40 noong Huwebes Santo, habang nagsasagawa ng security patrol ang tropa ni Barroquillo at ng lokal na pulisya nang makaÂsagupa ang grupo ni Andi sa liblib na lugar sa Brgy. Danganan, Lapuyan ng lalawigan.
Nitong Biyernes Santo ng umaga ay muling sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng pinagsanib na elemento ng puÂlisya at militar laban sa grupo ng mga suspek na nangha-harass sa mga residente sa may dalampaÂsigan ng Barangay Tibalgo, Margosatubig, Zamboanga del Sur.
Nagkaroon ng ilang minutong putukan na ikinasawi naman ng isa pang lider ng MLG extortionist na kinilalang si Rasul Manguda.
- Latest