^

Probinsiya

Mayor, nagbayad ng PTC fee sa NPA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nalalagay sa balag ng alanganin si Bingawan, Iloilo Mayor Matt Palabrica na napaulat na nagbayad ng permit to campaign (PTC) fees sa mga rebeldeng New People’s Army kaugnay ng mid term elections sa Mayo 2013.

Ayon kay P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., police regional office-6 director, sakaling mapatunayang may katotohanan ang sinasabing pagbabayad ng PTC fees sa NPA ni Palabrica ay mahaharap ito  sa kasong kriminal at administratibo.

Nabatid na isang miyembro ng media sa Western Visayas ang nag-report na si Mayor Palabrica ang kauna-unahang kandidatong opisyal ng lokal na pamahalaan na nakatanggap ng PTC demand letter ng NPA sa Region VI na nagbayad sa mga rebelde.

Sinasabing hindi nabigyan ng police security escort si Palabrica kaya sinamantala ng mga rebelde upang puwersahin itong magbayad ng PTC fee.

Nilinaw naman ni Cruz na wala siyang natatanggap na request mula sa nasabing alkalde sa pag­hingi nito ng security escort.

Maging si P/Senior Supt. Gil Blando Lebin, director ng Iloilo police office ay hindi rin nilapitan ng alkalde para sa security escort nito. Joy Cantos

AGRIMERO CRUZ JR.

CHIEF SUPT

GIL BLANDO LEBIN

ILOILO MAYOR MATT PALABRICA

JOY CANTOS

MAYOR PALABRICA

NEW PEOPLE

PALABRICA

SENIOR SUPT

WESTERN VISAYAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with