^

Probinsiya

Kalihim ng barangay, nilikida

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines   â€“ Pinaniniwalaang away sa pinag-aagawang lupain ang isa sa motibo kaya pinagbabaril at napatay ng kanyang kapitbahay ang 46-anyos na kalihim ng barangay sa Barangay Tibagan, bayan ng San Miguel, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Nasawi habang ginagamot sa Emmanuel Hospital ang biktimang si Winifreda Roma habang sugatan naman ang anak nitong si Ren Wella, 3, matapos tamaan ng ligaw na bala ng baril.

Samantala, sumuko naman ang suspek na si Alvin Francisco, 31, magsasaka ng nabanggit na barangay.

 Ayon kay PO1 Leo Crispin Arganda, naganap ang krimen sa loob ng bahay ng mag-ina kung saan magkatabing natutulog.

Inamin ng suspek sa pulisya na hidwaan nila ng biktima kaugnay sa pinag-aagawang lupain kaya napatay niya ang opisyal ng barangay.

 

vuukle comment

ALVIN FRANCISCO

AYON

BARANGAY TIBAGAN

BULACAN

EMMANUEL HOSPITAL

INAMIN

LEO CRISPIN ARGANDA

REN WELLA

SAN MIGUEL

WINIFREDA ROMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with