Binatilyo nahulog sa kuweba, utas
MANILA, Philippines - Naging mitsa ng kamataÂyan ng isang 16 anyos na binatilyo ang panghuhuli nito ng paniki makaraang aksidenteng mahulog sa isang butas sa kuweba na minalas pang dumeretso sa malalim na bangin sa bayan ng Tabuelan, Cebu kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Bryan Ere, residente ng Brgy. Cantubon, dead-on-arrival sa pagamutan matapos na tumama pa ang ulo sa isang malaking bato. Sa ulat ng Cebu Police, naganap ang insidente pasado alas-5 ng umaga sa kuweba ng Himaroto na nasa pagitan ng hangganan ng Brgy. Cantubon at Brgy. Canlungahon sa kagubatan ng nasabing bayan.
Ayon sa pulisya ang biktima kasama ang ama nitong si Elmer at tiyuhing si Roldan Caballero ay nangha-hanting ng mga paniki gamit ang flashlight sa kuweba nang mangÂyari ang insidente. Abala umano ang biktima sa paghahanap ng paniki sa loob ng madilim na kuweba kaya hindi nito napansin ang butas kung saan tuluy-tuloy itong nahulog sa may 200 metrong bangin sa lugar na may sampung oras bago narekober ng search and rescue team.
- Latest