^

Probinsiya

Pangalan sa balota itama-Lakas CMD Cavite candidates

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naghain ng  petisyon sa Commission on Elections (Comelec) ang  12  konsehal na  kandidato sa ilalim ng Lakas-CMD sa Bacoor, Cavite para itama ang pagkakamali sa mga balota sa dalawang distrito ng nasabing lungsod.

Sa pangunguna ni Atty. Romulo Macalintal, sinabi nito na dapat na bigyan ng agarang aksyon ng Comelec ang mga mali sa balota na naka-post sa website ng komisyon.

Nakasaad sa isinumiteng petisyon, iginiit ng mga konsehal na ang pangalan ng mga kandidato para sa unang distrito ay nakasulat sa balota para sa ikalawang distrito, samantalang ang mga kandidato naman para sa ikalawang distrito ay nakalista sa unang distrito kung saan malinaw na nagkabaligtad ito.

Nilinaw sa petisyon  na ang mga tumatakbong konsehal na nasa ilalim ng District 1 ay sina Mike Bautista, Wena Bautista-Mendiola, Venus de Castro, Scap Enriquez, Reynaldo Fabian, Danilo Fran, Edwin Gawaran, Garry Gawaran, James Donald Manalili, Jim Ocampo, Evelyn Sarino, at Boy Solis. Habang ang mga konsehal naman mula sa District 2 ay sina Bern Berado, Romeo Crispino, Bayani De Leon, Boy De Leon, Mameng del Prado, Rey Gawaran, King Gutierrez, Danny Hilberto, Diboy Javier, Robert Javier, Ely Mira, Gudeng Nolasco, Rey Palabrica, Neil Ragasa, Jaime Sapanghila, Ting Saquitan, at Narding Ugalde. Iginiit sa petisyon na posibleng lumikha ng malaking gulo kung hindi ito maaaksyunan kaagad.

 

vuukle comment

BAYANI DE LEON

BERN BERADO

BOY DE LEON

BOY SOLIS

COMELEC

DANILO FRAN

DANNY HILBERTO

DIBOY JAVIER

EDWIN GAWARAN

ELY MIRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with